Aware si Governor Vilma Santos sa maingay na kontrobersiya ngayon tungkol sa napabalitang plano niyang paglagay ng ga-higanteng signage na "Batangas" sa isang parte ng Taal Volcano na kasing-laki ng signage na "Hollywood" sa Los Angeles, California.
Umani ito ng iba't-ibang reaksiyon sa publiko partikular sa Internet. May mga pabor, meron ding bumabatikos sa kanya. Mayroong nagsabing maglagay na lang siya ng "Darna" signage sa bolkan.
Lumabas na Darna sa pelikula si Vilma Santos nuong 1970s.
Tungkol nga rito ang unang naitanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon nang muli siyang bisitahin sa kapitolyo ng Batangas, kasama ang ilan pang movie press.
Paliwanag kaagad niya, "Ganito yan... hindi ko alam kung bakit nagkaroon ng interview [sa ilang tao niya sa provincial government ng Batangas] in the first place.
"Hindi ako ang in-interview diyan.
"Pero talagang isa 'yan sa napag-usapan na magiging plano to enhance the tourism program ng Batangas.
"Ang enhancement kasi ng tourism program namin, gusto naming i-focus sa Taal [Volcano]. Alam n'yo ang ibig ko sabihin? Kayamanan namin ang Taal, di ba?
"So ang intensiyon niyan is for Taal na kapag pupunta ang mga turista, alam nilang nasa Batangas tayo. Tama?
"Ni hindi pa nga alam kung letra ng [pangalan] na 'Batangas' o 'Ala, eh!' [ang ilalagay] e."
"It was just napag-usapan and for study.
"Ni hindi pa nga namin alam... puwede bang mag-construct diyan? E, bulkan 'yan?
"Wala pa ngang pondo. It was just one of those na plano to enhance the tourism program. Meron din plano na floating restaurant.
"Kasi later on mawawala ang mga fish cages diyan [sa Taal Lake surrounding the Taal Volcano]."
RESOLUTION. Pero sa napabalita, may resolusyon na raw kaugnay ang planong iyon?




0

